?

Log in

No account? Create an account

Fly

On Writing as Heartbreak

I hardly write. 

        These beautiful lilies remind me of sweet summer days.  Summer days when sulking and weeping over a dead kitten is most sought after by my bloodshot eyes.  Days when sweetness is far down from sweetness, and a downfall might ironically occured.  It may last for a month or so, but will eventually turn it's sweetest round April or May.

        As I lead myself to my dream destination, I saw myself stopping for a while on the 27th avenue. A sweet little jellyfish emerging from the fog had slowly captivated me.  Crying its heart out, I grasped the oppurtunity to cuddle its gelatinous umbrellalike body and play with its unfriendly trailing tentacles.  Our small tête-à-tête serves as the beginning of our wonderful frienship.  Not later on, it had turned completely enthralling causing me to be blinded by all its flaws.


       So did you kiss the jellyfish? Did it become a Prince?
NO! Idiot. This is not a Fairytale.
      

       Moving on, the sweet summer days had suddenly evolved into somewhat all year round for n years.  And biking while singing melodies will forever be paddling on an unending countryside.  Although we're not yet halfway the happy ending, I hope it will still be the  "Happily Ever After" every children shouted in chorus during story-tellings.

Batch Documentary - Write up

    We encountered many techinal problems in the viewing of our Batch Documentary at our Graduation Day last March.  So for all of you (DLA Batch SY 2006-07), here's the write-up, which I made myself, for the said documentary intentionally for us.
Yay--!**
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



DLA Batch SY 2006-07
 by: Ayee


Friendship Lasts

 

          Ang kasabihang “No man is an island” ika nga ay isa sa mga katagang nagpapatunay na ang lahat sa atin ay nangangailangan ng kasama’t katunggali sa pang habangbuhay. Isang magandang halimbawa na rito ang mga kaibigang nagbibigay saya, aliw, lungkot, galit, panibugho at inspirasyon sa pang mga araw ng pananatili natin sa paaralang naging parte na ng ating buhay.

 

Common Peer Groups

 

          Ang kalahating bahagi ng batch na ito’y dito na lumaki at tumanda... kalahati nama’y nagmula pa sa iba’t ibang paaralan at distrito.  Masasabing ang nobenta’y dos na mag-aaral ay pinagsama-sama hindi lang para matuto kundi para na din bumuo ng pagsasamahang sintibay at sin-tayog ng kawayan.  Ngunit base sa kasabihang, “Tell me who your friends are, and I’ll tell you who you are”, hindi pa rin maiiwasan ang pagkakaroon ng pangkatan pagdating sa samahan.  Ito marahil ay sanhi ng ugnayang binuo ng hilig at interes.

 

(Please Include pictures of peer groups, or if not… at least mention some)

 

In Behalf of Pauwi

 

Ang mga kaibigan ay itinuturing na rin nating kapamilya.  Ayaw na ayaw natin na nalalapit sila sa mga gulo lalong-lalo na kung alam nating ikapapahamak nila. Ngunit isang trahedya ang gumalantang sa ating lahat nung nakaraang taon.  Ito ang pagkalawa at agarang pagpanaw ng isa sa ating mga tinuturing na kaibigan, si Pauleen Genieve Yutuc o mas kilala natin bilang Pauwi.  Ang buong batch ay nagluksa sa isang napakalaking kawalan.  Dito natin makikita ang tibay na loob na ipinakita ng bawat isa sa pagtanggap sa isang bagay na hindi inaasahan.  Dito rin naayos ang mga gusot na gusot na problema sa pagitan ng mga mag-aaral.  At sa huling hantungan, muli nating ipinakita ang ating pagmamahal. 

 

(Include pictures/details of Paui & her interment.  Tribute.)

 

Loveteams

 

Kasama na sa ating paglaki ang pagkahinog ng isip at damdamin.  Kadalasang hindi natin maiwasang ma-kontrol ang ating mga emosyon at damdaming nararamdam lalong-lalo na sa ating kapwa na humahantong sa pag-ibig.  Karamihan sa atin ay umiibig na (Yes parents, you heard it right).  Payo ko lang sa butihin kong mga kamag-aral, ang pagpasok sa isang relasyon ay hindi masama… ito’y nalalagay lamang sa alanganing posisyon kapag labis na ang pagmamahalang iaalay ninyo sa isa’t isa. Hindi na natin iisa-isahin kung sinu-sino ang mga ito sapagkat maaring…alam niyo niya yun. [Tingin sa camera, kindat]. 

 

(Include Silhouette Pictures of love teams para mukhang “the who” and islash geegee gif) <<Suggestion lang para cute. =P

 

 

          Maraming grupo ang nabuo sa apat na taong pananatili natin sa hayskul.  Ngunit hindi ito naging dahilan upang tuluyang magbuklod-buklod ang mga estudyante.  Sa halip, ito pa’y naging daan upang ipagtibay pa lalo ang samahang unang nabuo noong tayo’y nasa unang baitang ng pagiging High school.  Buhay man o patay, panghabangbuhay ang pagkakaibigan.


  The Wizards


Kilala ang Divine Light Academy bilang pinakamagaling na paaralan sa disdistrito.  Kaya nama’y hindi na nakapagtataka na karamihan sa mga estudyante rito ay puro matatalino at mataas ang pinag-aralan. 

 

Bago ka mag-aral sa paalarang ito’y dapat matibay ang loob mong makipagsapalaran, ihanda ang sarili sa bakbakan sapagkat ang bawat kilos at galaw mo’y katumbas ng puntos na makikita mo sa katapusan ng kapat na taon bilang estudyante.   Sabihin na lang nating, patayan ang labanan.  Magmula sa pagkakaroon ng “High Standard Grading System” ay dapat handa ka sa libo-libong requirements na nakahain para sa iyo.  At ang sistema rito’y walang kaibi-kaibigan.  Hindi binabasta-basta ang sitwasyon at hindi nadadaan ang mga guro sa iyong pontensyal sa pagiging susunod na “Ultimate Starstruck Survivor”. 

 

Kaya naman napakagaling ng mga kamag-aral naming nakakapasok sa tinatawag nating “Honor List”.  Nawa’y ipagpatuloy niyo pa ang inyong nasimulan, at maging gabay at inspirasyon sa iba upang magsumikap ng mabuti at maabot ang mithii’t pangarap sa buhay.

 

(Please Include Events/Awards gained from inter-school competitions and updates)

 

gs Kings of the Court

 

     

Isa sa mga libangan ng ating mga kamag-aral ay ang paglalaro ng Basketball o kaya naman ng Volleyball.  Dito hinahasa ang mga estudyante pagdating sa palakasan o isports.  Dito rin nabubuo ang mga samahan at pagkakaibigan ng iba.  At dito rin natutunan ng mga estudyante ang pagkakaroon ng sportsmanship sa bawat pagkatalong natatamo. 

 

Ang paghirang ng MVP, Mythical 5 para sa basketball, at mythical 6 para sa volleyball mula sa ating batch ay isang karangalan sapagkat dito naputanayan ng mga 4th year students na mahuhusay at may ipaglalaban ang karamihan sa atin pagdating sa larangang isports.

 

(Please Include Details about CSAA and other inter-school competition)

 

Rock Myx

 

Ang pagbabalik at biglaang pagsulputan ng mga rock bands sa industriya ng musika ang nagsilbing inspirasyon sa karamihan upang bumuo ng kani-kanilang sariling banda.  Kaya nama’y nagkakaroon ng isang “Battle of the Bands” ngayong taon para sa mga estudyanteng nais magsipaglahok at magpakitang gilas sa madla.  Hindi maikakailang marami ang nagsipagsali upang madiskubre, at hindi maikakailang madami pala ang may talento pagdating sa larangan ng musika.

 

(Details & Pictures from Battle of the Bands, clips from class room jammings… etc.)

 

 

 

 

Silence Means…

 

 

            Sabi nila, mas epektibo daw ang pag-aaral kapag tahimik ang kapaligaran.  Maganda at maayos nga namang pagmasdan ang isang klase kapag tahimik ang mga estudyante.  Ngunit, bumuo ng bagong konsepto ang iba sa ating mga kamag-aral pagdating sa katahimikan.

 

          Sa panahon ngayon, hindi lang ang mga maiingay at nakakatawa ang bumabasag ng katahimikan kundi ang mga tahimik na din.  Ang natural na katahimikan ng iba sa ating mga kamag-aral ay nakakaagaw atensyon na din pagdating sa pagpapatawa at pagbibigay aliw.  Ipinaglalabanan nila ang kanilang mga kakayahan sa pamamagitan ng sariling pamamaraan, ang katahimikan.  Masasabing may ibubuga sila.  Silent but deadly ika nga. 

 

          Kakaiba man o hindi, hindi ko masasabi kung paano nila nagagawa iyon sapagkat pinaiiral pa rin nila ang kanilang katahimikan sa t’wing ako’y nagtatanong.

 

 

You Got Served

 

 

Lalaki man o babae ang mananayaw, basta 4th year, magaling.

 

 

          Napatunayan na ito sa iba’t ibang pagtatanghal at pagkakataon.  Ang mga estudyante ng batch na ito’y tila may pinanghahawakang titulo sa pagiging “Best Dancer” sa husay nilang magsi-indak at magsisayaw.  Mapa-engrande man ito tulad ng JS Prom o sa pang araw-araw na eksenang mapapanood mo sa mga silid-arala’y wagi sila pagdating sa larangan ng pagsasayaw.

 

 

 

They were beautiful…and so was their Art…

 

    

              Ang pagiging malikhain na yata ang isa sa mga kaya nating ipagmalaki sa batch na ating kinalakhan.  Ang kahusayan sa paglilok, pag-guhit, pagpinta, pagsulat atbp. Ng iba sa ating mga kamag-aral ay siguradong magkakamit ng tagumpay at gantimpala balang araw.  Ang sining at orihinal na kagandahang tanging ang utak at talento lang ang nakakagawa.

 

Ito'y sinabi ng lalaking nagngangalang BOB!


To Bob: 
Hintayin mo lang ang mga bata ko dyan! Ipaliligpit kita!!
[Devious Evil Laugh]



Kanina pa talaga ako
tawa ng tawa. 

Can somebody please tell me who
William Moseley is?
Can I protest? Can I?

Doppelganger Attack

A nightmare had caused me to woke up panting and catching breath today at five in the morning. I was so unaware of my surrounding that time that I've almost shriek in despise of what I've dreamt. Believe me, dreaming of 3 doppelganger in one sitting or should I say what? ^^ is freaky..  But seeing a person sleeping in a wierd position after dreaming of such is waaaay freakier. >.<

Moving on..

I texted him right away, and guess what?  He even accused "my being frightened" is caused by eating and sulking ice cream.  Sweet. nah it's not, it's STUPID.  haha. =P Peace. /kis /kis /kis


Ok.  So what now?  Here I am, typing and typing my life away realizing that I haven't even blogged this month even for once. 



hmm... except of course for the post I've deleted because of multiple cuss words and inhumane cussing.  "Baka isipin ng mga tao masamang tao ako, eh na-carried away lang naman talaga ako kasi.... [insert drama cliches here]".   


...........


ok ok ok.. So I've already posted a blog this month and this is not the first time.  What's the point anyways? No big deal.


Bullshit.

Another set of Painkillers

Venus Vs. Cathy, Sino ang tatapos?


I have a new dog.  His name is Cathy! (.^_^.)

Music Streaming at its BEST

The owner asked me to uh.. advertise his site, to everyone. ^^
Please Visit his Site.. http://makulit.net  for sound trip purposes.

Includes full length albums from some different artists (Local & Foreign). 

Guaranteed Music Streaming at its BEST.